Unemployment rate sa Pilipinas, umakyat sa 5.8% noong Jan. 2026

Umakyat sa 5.8% ang unemployment rate ng bansa noong Enero 2026, mas mataas kumpara sa 4.3 perent noong parehong buwan ng nakaraang taon.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), katumbas ito ng humigit-kumulang 2.96 milyong Pilipino ang walang trabaho, mas mataas sa 2.26 milyon na naitala noong Disyembre 2025.

Ito rin ang pinakamataas na unemployment rate mula June 2022, na nagpapakita ng pagbagal ng labor market sa simula ng taon.

Samantala, bumaba naman ang employment rate sa 94.2 percent, mula sa 95.7 percent noong January 2025.

Sa kabuuan, humigit-kumulang 47.94 milyong Pilipino ang may trabaho sa unang buwan ng 2026, bahagyang mas mababa kumpara sa 48.49 milyon na naitala noong nakaraang taon. | via Joana Luna, D8TV News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *