Posibleng magamit ang committee report ng Senate Blue Ribbon Committee para mangalap ng ebidensya o leads sa isinasagawang imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects.
Ayon kay DOJ Prosecutor General Richard Fadullon, maaari nila itong i-refer sa National Bureau of Investigation bilang basehan sa nagpapatuloy na imbestigasyon.
Dagdag pa niya, masyado pang maaga para magkomento ukol dito at hihintayin na lamang muna na makakuha sila ng kopya ng report.
Ito ay matapos ang pag-leak ng umano’y committee report kung saan inirerekomenda ang pagsasampa ng kaso laban sa mga senador na sina Joel Villanueva, Jinggoy Estrada, at dating Senate president Chiz Escudero. | via Alegria Galimba
