Mga pasaherong stranded sa mga pantalan sa buong bansa, umabot na sa 3,865 —PCG

Iniulat ng Philippine Coast Guard (PCG) na nasa 40 pantalan sa buong bansa ang apektado ng Bagyong Basyang.

Batay sa datos ng PCG mula 4AM hanggang 8AM ngayong araw, mayroong 3,865 pasahero na stranded sa mga pantalan.

Stranded din ang 1,127 rolling cargoes, 79 vessels, at isang motorbanca.

Samantala, 111 na barko at 21 motorbanca ang sumilong bilang pag-iingat laban sa epekto ng masamang panahon. | via Alegria Galimba

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *