Hindi pakikialaman ng Pangulo ang anumang hakbang na nais gawin ng Independent Commission for Infrastructure o ICI – kung bubuwagin man ito o magpapatuloy sa kanilang mandato.
Sa press briefing sa Malacañang nitong Martes, February 3, sinabi ni Palace Press Officer Usec. Claire Castro na babase lang umano si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa magiging desisyon ng komisyon dahil isa itong independent body.
Tiniyak din ni Castro na ibibigay ng Pangulo ang mga tulong na hihilingin ng ICI sa ehekutibo.
Kung nais daw magpatuloy ng komisyon sa kanilang trabaho ay susuportahan pa rin ng Pangulo ang mga ito.
Pagdating naman sa kakulangan miyembro ng komisyon para maipagpatuloy ang kanilang pagtatrabaho, mas maganda umanong makipag-usap sila nang direkta sa Pangulo.
Itinatag ang ICI sa pamamagitan ng Executive Order No. 94 upang imbestigahan ang mga maaanomalyang proyekto sa pamahalaan. | via Alegria Galimba
