PBBM, naniniwalang mapauuwi ang mga pugante sa bansa

Malaki ang tiwala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mahuhuli at maibabalik sa Pilipinas ang mga puganteng nagtatago sa kamay ng batas.

Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, alam umano ng Pangulo sa ginagawang pagtatrabaho ng mga ahensya ng pamahalaan para matugis ang mga pugante.

Lumalabas kasi na nasa Stockholm, Sweden si dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co matapos maghain ng petisyon sa Korte Suprema laban sa Ombudsman.

Matatandaang unang sinabi noon ni Interior Secretary Jonvic Remulla na nananatili sa isang gated community sa Lisbon, Portugal ang dating kongresista.

Ayon sa Palasyo, mas kinakailangan lang siguro na mas pag-igihin pa ang pagtatrabaho para mapanagot ang mga dapat managot. | via Alegria Galimba

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *