Hinamon ng Palasyo ang grupong Bayan na patunayan ang kanilang mga alegasyon laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Kasunod ito ng paghahain ng impeachment complaint ng grupo laban sa Pangulo.
Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, kung wala silang maibigay na pruweba ay maaaring gumagawa lamang sila ng kwento.
Samantala, tiniyak naman ng Malacañang na handing humarap si Pangulong Marcos sa anumang reklamong inihain laban sa kanya.
Mariin namang pinabulaanan ng Palasyo ang pahayag ni Sen. Imee Marcos na scripted umano ang paghahain ng reklamo.
Muli ring iginiit ni Castro na hindi kailanman naging abogado ni First Lady Liza Marcos ang abogadong unang naghain ng impeachment complaint laban sa Pangulo. | via Alegria Galimba
