Panibagong reklamong plunder, graft laban kay VP Sara inihain sa Ombudsman

May mga panibagong reklamo na namang kakaharapin ni Vice President Sara Duterte kaugnay ng umano’y kurapsyon.

Ito’y matapos ihain ngayong araw ni dating Senador Antonio Trillanes IV at mga myembro ng isang civil society group sa Office of the Ombudsman sa Quezon City ang reklamong plunder at graft.

Ayon kay Trillanes at grupong The Silent Majority may kaugnayan ito sa umanoy mga iregularidad noong kalihim pa ang bise presidente ng Department of Education at mayor ng Davao City.

Kabilang sa mga paratang ang umano’y plunder at malversation ng P650 million pesos confidential funds ng Office of the Vice President at DepEd; P2.7 billion na confidential funds ng Davao City; graft at malversation sa P8 billion overpriced laptops sa DepEd; mahigit P12 billion na COA disallowances; P7 billion unliquidated cash advances at hindi idineklarang higit P2 billion na ari-arian sa SALN.

Nabanggit din sa reklamo ang umano’y panunuhol at katiwalian, kabilang ang pagiging unfit sa paghawak ng pwesto sa gobyerno dahil sa public meltdown at pagbabanta sa buhay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ang paghahain ay kasunod ng reklamo noong December 2025 ng isang koalisyon ng mga pari, academic, at mamamahayag hinggil sa umano’y maling paggamit ng confidential funds.

Naniniwala si Trillanes na matibay ang mga reklamong kanilang isinampa kay VP Sara base sa mga ebidensyang hawak nila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *