Aakyat muli ang presyo ng mga produktong petrolyo ngayong Martes, ang ikatlong linggo nang sunod-sunod ang pagtaas ng pump prices ng diesel at kerosene.
Ayon sa abiso ng Seaoil at Shell, itataas nila ang presyo kada litro ng gasolina ng ₱0.30, diesel ng ₱0.20, at kerosene ng ₱0.30.
Magsisimula ang bagong presyo sa Martes, Enero 13, 6 a.m. para sa lahat ng kumpanya maliban sa Cleanfuel na magtataas ng presyo 4:01 p.m. ng parehong araw.
Noong nakaraang linggo, nagkaroon ng bahagyang bawas sa presyo ng gasolina ng ₱0.10 bawat litro, habang tumaas naman ang diesel ng ₱0.20, at kerosene ng ₱0.10.
Ayon sa DOE, posibleng bumaba ang presyo ngayong linggo dahil sa inaasahang mas mataas na produksyon ng langis mula sa Venezuela at sapat na suplay sa pandaigdigang merkado, kasabay ng mahina pang demand.
