Zubiri: Pagbabago sa liderato ng Senado, tutulak bago matapos ang 20th Congress

Mula sa biruan sa Senate lounge, naging isang tunay na plano ng majority bloc ang paghalal ng kauna-unahang babaeng Senate President.

Ayon kay Senate Majority Leader Migz Zubiri, napagkasunduan na sa huling bahagi ng termino ni Senate President Tito Sotto sa 20th Congress ay papalit sa kanya si Senator Loren Legarda.

Nilinaw ni Zubiri na hindi ito term-sharing nina Sotto at Legarda na bagama’t hindi pormal ay nagpagkasunduan ng siyam na senador.

Ani Zubiri, alam ni Legarda ang plano dahil kasama siya sa naturang pagpupulong kasama ang walo pang miyembro ng mayorya.

Kahapon, todo tanggi si Legarda na may alam siya tungkol dito.

Sot Legarda, from Ghazi kahapon

Posibleng maupo si Legarda bilang Senate President matapos lumipat ang Senado sa bagong gusali nito sa Taguig City sa 2027.

Samantala, handa naman si Zubiri na bumaba sa puwesto upang bigyang-daan si Senator JV Ejercito bilang bagong majority leader.

Target din umano ng majority bloc na palawakin pa ang kanilang hanay sa pamamagitan ng paghimok ng mas maraming senador mula sa minority. | via Ghazi Sarip, D8TV News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *