May natatanggap umanong “feelers”na nagpapahiwatig ng hangaring makipagdayalogo ang dating kongresista na si Zaldy Co sa gobyerno ayon kay Interior Sec. Jonvic Remulla.
Ayon sa kalihim, idinaan umano ni Co ang naturang mensahe sa pamamamagitan ng ilang pari na personal nitong kakilala.
Ngunit, nilinaw ni Remulla na patuloy pa nilang bineberipika ang impormasyong kanilang natanggap.
Iginiit din ng kalihim na sineseryoso ng gobyerno ang anumang pahiwatig ng dating mambabatas na makipag dayalogo sa kanila.
Sa ngayon, patuloy pa rin na pinag hahanap si Co ng otoridad kaugnay ng maanomalyang flood control project sa Oriental Mindoro at Huling namataan na nananalagi sa Portugal. | via Allen Ibañez
