Zaldy Co, mga opisyal ng DPWH, kinasuhan ng graft

Nagsampa na ang Office of the Ombudsman ng unang batch ng kaso sa Sandiganbayan kaugnay ng umano’y iregularidad sa mga flood control project, kung saan kabilang sa mga respondents ang nagbitiw na kongresista na si Zaldy Co.

One count of malversation at two counts of graft laban kay Co, ilang dating opisyal ng DPWH Region 4B, at mga executive ng Sunwest Inc., tungkol sa P289.5-million road dike project sa Mag-Asawang Tubig River, Naujan, Oriental Mindoro.

Ang malversation case, na may kinalaman sa P8.8 milyon na pondo at sinasabing may falsification of public documents, ay non-bailable at maaaring humantong sa habambuhay na pagkakakulong. Ayon sa Ombudsman, si Co ay kinasuhan din sa paglabag sa Section 3(h) ng Anti-Graft Law dahil sa umano’y pagtanggap ng “unwarranted financial benefits.”

Humiling na rin ang panel ng mga prosecutor ng arrest warrants at hold departure orders laban sa mga akusado.

Batay sa reklamo ng Independent Commission for Infrastructure (ICI), nadiskubre umano ang paggamit ng substandard steel sheet piles na “malayo sa required standards,” na maaaring magdulot ng over P63 milyon na pagkalugi sa gobyerno. Lumabas din sa ICI report na umano’y nakinabang si Co mula sa mga proyekto ng Sunwest, isang contractor na konektado sa kanya.

Ayon sa Ombudsman, mananatiling matatag at independent ang imbestigasyon at pananagutin ang sinumang responsable.

Sinabi naman ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na “credible” ang salaysay ng dating DPWH undersecretary Roberto Bernardo, at sinusuri pa ito ng mga imbestigador. Inaasahan din ang pagdami ng kaso kaya posibleng humiling ang Ombudsman ng karagdagang Sandiganbayan divisions. May mga kasong hinahanda laban sa ilan pang senador at kongresista. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *