Idineklara nang pugante o fugitive from justice ng Sandiganbayan 5th Division si dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co.
Sa inilabas sa resolusyon ng Sandiganbayan, ipinag-utos ng korte sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang agarang pagkansela sa Philippine passport ng dating kongresista.
Dahil paso na ang passport, mapipilitan ang bansang kumukupkop sa dating kongresista na i-deport ito.
Maaari na ring humingi ng tulong ang Ombudsman sa Interpol para madakip si Co.
Umalis si Co ng bansa bago pa man pumutok ang isyu ng maanomalyang mga proyekto.
Bukod sa dating kongresista, itinuturing na ring pugante ang tatlong board of directors ng Sunwest Inc., ang construction company na pag-aari ni Co.
Ito ay kasunod ng umano’y pag-iwas ng mga ito na harapin ang kanilang mga kaso sa bansa.
Matatandaang inirereklamo si Co at Sunwest dahil sa pagkakasangkot sa umano’y substandard na road dike project sa Oriental Mindoro na nagkakahalaga ng P290 million. | via Alegria Galimba
