Ang YouTuber na si Vitaly Zdorovetskiy o mas kilalala sa pangalan na VitalyzdTV, ay ipapadeport ng Bureau of Immigrations dahil sa panghaharass ng content creator sa Bonifacio Global City (BGC).
Noong April 1, nag upload ng “IRL stream” ang naturing na content creator sa kanyang YouTube Channel na pinamagatang “Vitaly disturbing the peace in the Philippines”. Kitang kita sa video ang panghaharas niya sa isang pinay, bilang “prank” sinabi ni Vitaly na “I’m gonna f**king rob you” at tinangka niyang kunin ang bag nito. Pagkatapos, ang ginulo naman niya ay ang sekyu ng isang pribadong lugar, sinubukan din nitong kunin ang baril ng sekyu. Mayroon din indibidwal ang nasaktan ng masagi ng traysikel na dina-drive ng content creator. Napagalaman din na merong surf instructor naman ang kanyang hinarass sa boracay.
Dahil sa mga kilos na ito, maraming mga tao ang na alarma sa kanyang ginagawa sa lugar kaya’t kahapon inaresto ng BI ang YouTuber at ipapa-deport ang content creator.
Ayon kay Immigration Commissioner Joel Viado, hindi dapat inaabuso ng kahit na sinong dayuhan ang pagiging hospitable ng ating mga kababayan at kung sino man ang mang ha-harass o manggugulo sa kapayapaan ng kabuhayan ng mga pinoy ay papanagutin ng ahensya. Kasalukuyang nasa Camp Bagong Diwa sa Taguig ang content creator habang hinihintay ang kanyang deportasyon. | via Dann Miranda | Photo via PNA