Wildfire sa isla ng Crete, Greece, nagdulot ng pagpapalikas sa mga residente at utrista

Isang malaking sunog ang sumiklab sa South Coast ng Crete, Greece na nag-udyok sa mga awtoridad na palikasin ang mga residente at turista mula sa mga bahay at hotel. Tatlong evacuation orders ang inilabas sa paligid ng Ierapetra port dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy, dala ng malalakas na hangin.

Apektado ang mga lugar ng Ferma, Agia Fotia, at Koutsounari, kung saan tinawag ng mga residente ang pinsala na gaya ng nasusulat sa bibliya na pagkawasak.

Nagpadala ng emergency alert nitong Miyerkules ng gabi, na sinundan ng sapilitang paglilikas sa mga karatig-baryo ng Achlia at Galini. Ang mga taong nagtago sa dalampasigan ay inilikas sa pamamagitan ng bangka. Walang naitalang nasawi, pero may ilan umanong dinala sa ospital dahil sa hirap sa paghinga.

Ayon sa mga opisyal, mahigit 230 bumbero at 10 water-dropping aircraft ang kasalukuyang naglalaban sa apoy. Mahirap pa ring kontrolin ang sunog sa ngayon. Ang Crete ay isa sa mga pangunahing tourist destination sa Greece, at mataas pa rin ang wildfire risk sa buong rehiyon. | via Allan Ortega | Photo via msn

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *