Welga ng jeepney sa Maynila, maagang natapos

Maagang tinapos ng grupong Manibela ang kanilang tatlong-araw na welga nitong Huwebes matapos ang dayalogo kasama ang Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).


Ayon kay Chairman Mar Valbuena, pinakinggan nila ang apela ng LTFRB para hindi na pahirapan ang mga pasahero.

Balik-normal ang pasada simula hapon ng Huwebes.


Ang welga ay protesta laban sa umano’y katiwalian sa transport agencies.


Samantala, itinuloy naman ng PISTON ang kanilang isang-araw na nationwide protest laban din sa korapsyon.

Nagsagawa ng kilos-protesta sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila at Laguna, at nagtapos ito sa martsa mula UST hanggang Mendiola.


Ayon kay PISTON President Mody Floranda, nagbabayad ng buwis ang mga jeepney driver, pero nauuwi lang sa korapsyon. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *