Warrant of arrest laban kay Zaldy Co at 17 iba pa, inilabas na —PBBM

Inilabas na ng Sandiganbayan ang warrant of arrest laban kay dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co at 17 iba pang akusado sa maanomalyang flood control projects sa Oriental Mindoro.

Kasama rito ang ilang tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Sunwest Corporation.

Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang paghahain ng kaso ng Ombudsman sa Sandiganbayan laban sa mga akusado ay nakabatay sa mga ebidensyang isinumite ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) at DPWH.

Giit ng Pangulo, hindi ito haka-haka at hindi rin ito kwento dahil ito ay may tunay na ebidensya.

Pinamamadali na rin nito ang pag-aresto sa mga ito upang maiharap na sa korte at mapanagot sa batas.

Tiniyak din ni Pangulong Marcos na walang special treatment at walang sasantuhin sa mga maaaresto.

Dagdag pa nito, siya ang nagsimula ng imbestigasyon kaya’t siya rin ang magtatapos nito.

Pinasalamatan naman ng Pangulo ang mahabang pasensya ng publiko dahil nagbunga na ang kanilang paghihintay na managot ang mga dapat managot. | via Alegria Galimba

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *