Walang presensya ng Chinese habang nagsasagawa ng maritime activity

Nilinaw ng Philippine Navy na walang presensyang Chinese warships sa isinagawang maritime activity kasama ang Japan kamakailan sa karagatan ng Camarines Norte.

Ayon sa Naval Forces Southern Luzon, ang mga nakitang foreign vessels ay kabilang sa Exercise Pacific Steller 2025 — isang pagsasanay na pinangunahan ng Japan, United States, at France. Kabilang sa mga lumahok ang French aircraft carrier Charles de Gaulle, American carrier USS Carl Vinson, at Japanese destroyer JS Kaga.

Tiniyak ng PH Navy na walang barko mula China ang nakita sa aktibidad, sa gitna ng patuloy na tensyon sa West Philippine Sea. Dagdag ng Navy, patuloy ang pagbabantay sa karagatan para sa seguridad ng bansa. | via Dann Miranda | Photo via AFP

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *