Walang nakitang paglabag sa karapatan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa proseso ng pag-aresto sa kanya. Ayon kay Human Rights lawyer Atty. Chel Diokno, base sa kanyang nabasa at nakita, maayos at walang depekto ang ginawang pag-aresto sa dating pangulo.
Gayunman, sinabi ni Diokno na aalamin pa rin ito ng International Criminal Court (ICC) sa oras na dumating si Duterte sa The Hague, Netherlands. Sa isasagawang confirmation hearing ng ICC, matutukoy kung may nalabag bang karapatan sa dating pangulo at kung tama ang naging proseso ng pag-aresto sa kanya.