Walang bago sa SONA Protocols kahit tumataas ang COVID cases sa Asia – Kamara

Kahit may bagong pagtaas ng COVID-19 cases sa ilang bansa sa Southeast Asia tulad ng Singapore, China, Hong Kong, at Thailand, walang pagbabago sa health protocols para sa ika-4 na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos sa Hulyo 28.

Ayon kay House Secretary General Reginald Velasco, bantay-sarado pa rin ang Medical Team ng Kamara sa sitwasyong pangkalusugan — lokal man o internasyonal. Sa kabila ng bagong wave sa ibang bansa, 87% mas mababa raw ang COVID cases sa Pilipinas mula Enero hanggang Mayo 3 kumpara noong 2024.
Di rin kinakabahan si Health Secretary Teodoro Herbosa — bantayan lang ang kalusugan, magsuot ng mask kung kailangan, maghugas ng kamay palagi, at palakasin ang resistensya.

Naglabas na rin si Velasco ng memo noong Mayo 20 para sa mga empleyado ng Kamara: ‘Health protocols, sundin pa rin!’ | via Lorencris Siarez | Photo via bworldonline.com

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *