Wala pang bagong “UniTeam” —Hontiveros

Nilinaw ni Senator Risa Hontiveros na wala pa sa unang yugto ang usapin hinggil sa pagbuo ng isang bagong “UniTeam” dahil kasalukuyan pa lamang inaayos ang puwersa ng mga “Pink.”

Ayon sa senadora, mas mahalaga ang sama-samang desisyon at pagkakaisa ng mga oposisyon bago tumalakay sa iba pang detalye ng alyansa.


Iginiit ni Hontiveros na ang dapat unahin ay ang pagkakaisa ng mga grupong nagnanais ng tunay na reporma at pagbabago sa sistema sa halip na mag-pokus sa mga personalidad.

Ang pahayag na ito ay tugon sa mungkahi ni dating senator Antonio Trillanes IV na pagsamahin ang puwersa ng mga “Kakampink” at ng administrasyon upang matiyak ang pagkatalo ng mga Duterte sa 2028 elections. | via Jolina Oblea, D8TV News Intern

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *