VP Sara, tinukoy na kung saan napunta ang confidential funds ng DepEd

Nagsalita na si Vice President Sara Duterte kung saan napunta ang confidential funds noong panahon na siya pa ang nakaupong kalihim ng Department of Education (DepEd).

Ayon kay VP Sara, ginamit niya ang pondo para sa imbestigasyon ng pagbili ng overpriced laptops ng kagawaran.

Matatandaan na noong March 2022, na-flag na ng Commission on Audit (COA) ang DepEd sa ilalim ng pamumuno ni Secretary Leonor Briones dahil sa pagbili ng P2.4 bilyon na halaga ng outdated at overpriced laptops para sa mga guro na nagsasagawa ng mga online na klase noong 2021 sa kasagsagan ng COVID-19.

Idinawit din ni Duterte si dating Ako Bicol Representative Zaldy Co na contractor umano sa laptop procurement.

Kasunod nito, hinikayat ni VP Sara ang Ombudsman na imbestigahan ang pagkakasangkot ni Co sa isyu. | via Alegria Galimba

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *