Ipinahayag ni Vice President Sara Duterte na wala siyang sama ng loob kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kaugnay ng mga kontrobersyang may kinalaman sa kanyang impeachment trial. Gayunman, inamin niya na may mga puna siya sa performance ng pangulo.
“I have no ill feelings with him with regard to the political persecution that I am receiving from the administration because that is part of the life of a politician,” ani Duterte.
Dagdag pa niya, “I have problems with his performance as [the] president, and I have problems with the violations of our fundamental law, our Constitution—particularly with the rendition of former President Rodrigo Duterte. That was really an affront to Philippine sovereignty.”
Ibinahagi ito ni Duterte sa isang panayam sa ginanap na “Free Duterte Now” rally sa Melbourne, Australia, kasabay ng kanyang ‘personal trip’
Sa parehong panayam, tinawag din ni Duterte na “budol” o scammer ang pangulo noon pa man.
“He gives conflicting statements, truly, [since] the very first day of this administration. In fact, he has not followed through with any of his campaign promises. And that is an example of the conflict with regard to our president. Well, budol in English is ‘scam,’ no? Well, we are not surprised. He has the hallmark of a scammer,” depensa nito.
Ito ay naging tugon ni Duterte matapos sambitin ni Marcos na hindi umano siya manghihimasok sa isyu na impeachment trial ng Bise Presidente at mas ibabaling nito ang atensyon sa iba pang sektor ng bansa. | via Clarence Concepcion | Photo via PCO
#D8TVNews #D8TV