VP Sara Duterte, inimbitahan sa impeachment hearing sa March 25

Inimbitahan ng House Committee on Justice si Vice President  Sara Duterte na dumalo sa pagdinig kaugnay ng mga impeachment complaint laban sa kanya na nakatakda sa Marso 25.

Ayon kay House justice panel chair and Batangas Second District Rep. Gerville Luistro, boluntaryo ang pagdalo ng ikalawang pangulo at nasa kanya ang desisyon kung haharap siya o hindi.

Ang dalawang reklamo ay naglalaman ng mga alegasyon tulad ng betrayal of public trust, culpable violation of the Constitution, at umano’y maling paggamit ng confidential funds, pagbabanta laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at sa kanyang pamilya, at ang hindi maipaliwanag na yaman ng bise.

Kinumpirma naman ni Atty. Michael Poa, abogado ni VP Sara, na natanggap na nila ang imbitasyon, ngunit wala pang desisyon kung dadalo si Duterte sa pagdinig.

Nauna nang itinakda ng komite ang serye ng pagdinig sa March 25, April 14, 22, at 29, kung saan ihaharap ang mga ebidensya at testigo bago magpasya kung may probable cause para sa impeachment. | via Joana Luna, D8TV News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *