Mistulang nagpaabot ng Valentine’s Day messages sa isa’t isa sina Vice President Sara Duterte at Palace Press Officer Usec. Atty. Claire Castro.
Ito’y matapos sabihin ni VP Sara na sana ay magkatuluyan umano si Atty. Castro at Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Tugon naman ni Castro, sana ay pagmamahal ang ipakalat ng bise presidente at hindi fake news at immorality, sabay pasaring na “huwag itong maging Chucky.”
Pinasaringan din ni Castro ang bise president tungkol sa isyu ng kahihiyan, kung saan sinabi ni Castro na mas nakahihiya ang ginawa ni Duterte na pagbabanta sa buhay nina Marcos, First Lady Liza Marcos, at dating House Speaker Martin Romualdez.
Sagot ito ni Castro sa pahayag naman ng ikalawang pangulo na nakakahiya ang Palace official, at hindi ito dapat pakinggan ng taumbayan.
