Nilinaw ng ating embahada sa Washington na hindi kasama ang Pilipinas sa listahan ng mga bansang suspendido ang pagproseso ng visa papuntang Estados Unidos.
Ito’y matapos inanunsiyo ng US State Department na ihihinto muna ang visa processing para sa 75 bansa simula January 21.
Ayon kay Ambassador Jose Manuel “Babes” Romualdez, kabilang sa mga bansang ito ang Somalia, Russia, Iran, Afghanistan, Brazil, Nigeria at Thailand.
Samantala, iginiit ni US Ambassador MaryKay Carlson na matibay at pangmatagalan ang ugnayan ng US at Pilipinas.
Ayon sa kanya, mahigit 1.3 milyong Amerikanong turista ang bumisita sa bansa noong 2024.
Tiniyak ni Carlson na mananatiling shoulder-to-shoulder ang dalawang bansa sa pagprotekta sa kapayapaan at kaayusan sa Indo-Pacific region. | via Allan Ortega
