Ayon kay Senador Sherwin Gatchalian, malaking hakbang ang pagpapatupad ng VAT refund para sa mga dayuhang turista para gawing top travel destination ang Pilipinas.
Aniya, mas maraming gastusin ng turista ay magdadala ng mas malaking kita sa mga negosyo at manggagawa, lalo na sa mga probinsya. Pero binigyang-diin niya na dapat itong ipatupad ng Department of Finance (DOF) nang maayos at walang abala.
Nilagdaan na ang IRR ng Republic Act No. 12079, na nagpapahintulot sa mga dayuhang turista na makuha ang VAT refund sa biniling produkto na hindi bababa sa PHP3,000 mula sa accredited stores. Kailangang dalhin palabas ng bansa ang mga bilihin sa loob ng 60 araw.
Kasama sa mga produkto ang damit, electronics, alahas, accessories, souvenirs, at iba pang gamit pang-personal. | via Lorencris Siarez | Photo via PNA
#D8TVNews #D8TV