Uson, namataan muli sa Bulkang Mayon; nananatili sa Alert Level 3

Isa na namang pyroclastic density current o tinatawag na “uson” ang namataan sa Bulkang Mayon bandang alas-1:19 ng madaling araw nitong Lunes, Enero 12.

Ang uson ay binubuo ng mainit na abo, bato, at gas na mabilis na bumababa mula sa bunganga ng bulkan. Itinuturing itong isa sa mga pinaka-mapanganib na banta kapag nag-aalburoto ang Mayon.

Sa kabila nito, nananatili pa rin sa Alert Level 3 ang Mayon, na nangangahulugang patuloy ang magmatic unrest at posible ang biglaang pagputok ng bulkan.

Tinatayang nasa 729 na pamilya o halos 3,000 indibidwal ang kailangan ilikas mula sa paligid nito.

Pinapayuhan ang publiko na manatiling alerto, iwasan ang 6-kilometer permanent danger zone, at sumunod sa mga abiso ng lokal na pamahalaan at PHIVOLCS. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *