“I’m not inviting him, [but] I’ll be happy to treat him”
Ito ang sagot ni Palace Press Officer – PCO Usec. Atty. Claire Castro, ang mensahe sa kanya ng chief legal counsel ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Atty. Nicholas Kaufman.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Castro na kung plano man ni Kaufman na bumisita sa bansa bilang isang turista, “welcome” ito na makita ang ganda ng Pilipinas.
Aniya, hindi nya iniimbitahan si Kaufman upang pag-usapan ang interim release, dahil matagal na itong naresolba ng International Criminal Court (ICC).
“If he will be coming to the Philippines, I will be more than happy to treat him. Buy him balut, bagoong, kwek-kwek, I.U.D, adidas, but I will not discuss the interim release”, ani Castro.
Ginawa ni Castro ang pahayag, kaugnay ng mensahe ni Kaufman na kung iimbitahan sya ng palace official, ay malugod nya itong tatanggapin upang talakayin ang “interim release” ng dating pangulo. | via Judea Bernardo, D8TV News
