Usec. Castro: “Business experts, marapat bigyang pansin”

Kinontra ni Undersecretary of the Presidential Communications Office Claire Castro ang pahayag ni Bise Presidente Sara Duterte na babagsak ang ekonomiya ng bansa dahil sa kanyang impeachment trial.
Sa pahayag ni Duterte, wala na raw “investor confidence” sa Pilipinas kaya lugmok na ang ekonomiya sa bansa.

Taliwas ito sa pahayag ni Usec. Castro sa isang press briefing ngayong araw, June 18, na napanatili ng Pilipinas ang magandang ‘economic outlook’ ngayong taon.

Dagdag pa niya, kung mabilis na impeachment trial ang nakikitang solusyon ng mga business expert upang hindi mawala ang ‘investor confidence,’ mas marapat lamang na gawin ito.

“Hindi po manghihimasok ang Pangulo sa proseso sa Senado patungkol sa impeachment trial. Pero kung iyan ang nakikita ng mga nagnenegosyo, investors sa Pilipinas— eksperto sila sa mga ganitong bagay— kung ano ang mas makabubuti sa ekonomiya,” ani Usec. Castro.

“Ang sabi lamang po ng Pangulo, sundin ang Konstitusyon at rule of law. So kung pagpapabilis sa impeachment trial at iyun ang nakikita ng business sector, sana ay bigyan din ito ng pansin ng Senado,” dagdag pa niya. | via Florence Alfonso | Photo Screengrab from RTVM’s Facebook Page

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *