Ipinahayag ni U.S. President Donald Trump nitong Linggo na magpapadala siya ng Patriot air defense missiles sa Ukraine para tulungan silang depensahan ang bansa laban sa mga pag-atake ng Russia. Ayon kay Trump, “Mabait magsalita si Putin sa umaga, pero binobomba ang lahat pagsapit ng gabi.”
Hindi binanggit ni Trump kung ilan ang ipapadalang missiles, pero sinabi niyang babayaran ito nang buo ng European Union.
Lumalala raw ang pagkadismaya ni Trump kay Russian President Vladimir Putin dahil hindi nito tinatanggap ang mga alok na tigil-putukan. Samantala, muling nanawagan si Ukrainian President Volodymyr Zelenskiy ng dagdag na depensa laban sa araw-araw na missile at drone attacks ng Russia.
Ayon pa kay Trump, magpapadala rin ang Amerika ng sophisticated military equipment na babayaran nang 100% ng EU. May nakatakda rin siyang pag-uusap kasama si NATO Secretary General Mark Rutte ngayong linggo para talakayin ang isyu sa Ukraine at iba pa. | via Lorencris Siarez | Photo via msn
#D8TVNews #D8TV