Inilabas ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang limang pinakamadalas na makolekta sa kalsada noong nakaraang taon.
Batay sa Littering Apprehensions ng Health Sanitation Services Coordination and Assistance Division (HSSCAD) noong 2025, nangunguna rito ang cigarette butt o upos ng sigarilyo na sinundan ng balat ng candy, plastic waste at iba pa gaya ng tissue, ticket sa bus, mga resibo at face mask.
Kabilang din sa nakokolekta ng MMDA ay ang mga obstruction o mga bagay na nakakasagabal sa kalsada at daloy ng trapiko.
Paalala ng MMDA, sumunod sa mga ordinansa at ugaliin ang wastong pagtatapon ng basura. | via Alegria Galimba
