Uploader ng viral video ng nagkakarerahang mga bus, sasampahan ng kaso

Handa ang GV Florida Transport Inc. na magsampa ng kaso laban sa uploader ng viral video kung saan nagkakarerahan umano ang mga pampasaherong bus nito.

Matatandaang nag-viral ang kuhang video sa anim na bus ng GV Florida na mabilis na nagpapatakbo sa isang highway sa Cagayan.

Ayon kay Atty. Alexander Versoza, legal counsel ng GV Florida, ang pagpapakalat ng video ay nakakasira sa kanilang reputasyon at tiwala ng publiko.

Sa kabila nito, siniguro naman ng Department of Transportation (DOTr) na hindi ito dapat ikabahala ng uploader ng video dahil magbibigay sila ng proteksyon at legal assistance para kanya.

Hinimok din ng DOTr ang publiko sa patuloy na pagpapadala ng mga video o reklamo laban sa mga reckless drivers.

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *