Tumugon si University of the Philippines Diliman University Student Council (UPD USC) Chairperson Joaquin Buenaflor sa subpoena ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kaugnay ng karahasan sa anti-corruption rally noong Setyembre 21.
Sa kanyang liham, hinikayat ni Buenaflor ang CIDG na ituon ang imbestigasyon sa mga tiwaling opisyal, hindi sa mga kabataang lider at mamamayang ginagampanan lang ang kanilang demokratikong karapatan. Tinanggihan din niyang humarap sa imbestigasyon, aniya’y isa itong “custodial investigation” at iginiit ang kanyang mga karapatang konstitusyonal.
Samantala, nagpahayag ng suporta si UP President Angelo Jimenez kay Buenaflor at sa mga estudyanteng lumalahok sa mapayapang adbokasiya laban sa korapsyon, at binigyang-diin ang pakikipag-ugnayan ng UP sa mga ahensya ng gobyerno para sa mapayapa at legal na resolusyon.
Ayon kay Buenaflor, siya na ang ikaapat na estudyanteng pinatatawag ng CIDG matapos sina Aldrin Kitsune ng DLSU–CSB, Jacob Baluyot at Tiffany Brillante ng PUP, na pawang aktibo rin sa mga youth at campus organizations kontra korapsyon. | via Allan Ortega
UP student leader: Habulin ang mga tiwaling opisyal, hindi ang mga kabataang lider
