Binigyang-diin ni Malacañang Press Officer Claire Castro na ang “unmodified opinion” na ibinigay ng Commission on Audit (COA) sa Office of the Vice President (OVP) para sa fiscal year 2024 ay hindi wastong nangangahulugang tama at maayos ang paggastos ng pondo ng OVP.
Nilinaw ni Castro na ang ‘unmodified opinion’, na tinatawag ding ‘unqualified opinion’ ay tumutukoy lamang sa paraan ng financial statement presentation ng isang ahensya at hindi sa mismong paggamit ng pondo.
“Kapag sinabi pong unmodified opinion, it pertains only to the financial statement presentation. Ibig sabihin, sumunod lang po sa financial reporting framework—kumbaga ‘yung format. Kung ano ‘yung laman, nagbalanse,” aniya.
“Hindi po ito nagpapatunay na walang anomalya. Iba po ‘yung tama ang pag-report at iba ‘yung tama ang paggamit ng pondo,” dagdag pa niya.
Matatandaang binigyan kamakailan ng COA ng ‘unmodified opinion’ ang OVP sa fiscal year 2024, na nangangahulugang ang kanilang financial statements ay naihanda “in all material respects” batay sa tamang financial reporting standards. Gayunpaman, nilinaw ng COA na ang ‘unmodified opinion’ ay hindi nangangahulugang walang misuse o anomalya sa paggamit ng pondo. | via Clarence Concepcion | Photo via RTVM
#D8TVNews #D8TV