Union Water Impounding Dam sa Cagayan, binuksan na

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang inagurasyon ng P487.46-milyong Union Water Impounding Dam Project at P247.92-milyong irrigation component sa Claveria, Cagayan.

Ayon sa Pangulo, ang proyekto ay isang mahalagang imprastraktura na layuning mabawasan ang panganib ng pagbaha, maisaayos ang patubig, at mapalago ang eco-tourism sa lalawigan.

Dagdag pa niya na ang dam ay nagbibigay na ngayon ng maaasahang suplay ng tubig sa mahigit 3,000 ektarya ng sakahan kung saan direktang nakikinabang ang higit sa 3,500 magsasaka sa mga karatig-barangay.


Bukod dito, nagsisilbi rin itong proteksyon laban sa pagbaha, partikular na sa mga komunidad sa ibaba ng ilog tuwing malalakas ang ulan.


Ayon naman kay Cagayan Gov. Edgar Aglipay, dahil sa magandang tanawin ng kabundukan at lawak ng reservoir, inaasahang makatutulong din ang Union Dam sa pagpapalago ng lokal na turismo at paglikha ng mga kabuhayang pangmatagalan.

Pagkatapos nito ay nagtungo naman ang Pangulo sa Camalaniugan upang suriin ang ginagawa pang Camalaniugan-Aparri Bridge na magdurugtong sa bayan ng Camalaniugan at sa kanlurang bahagi ng Aparri.

Inaasahang matatapos ang proyektong ito sa February 24, 2026. | via Alegria Galimba

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *