Noong Setyembre 28, nakahuli ng kakaibang gamit ang mga mangingisda sa Linapacan, Palawan isang 12-foot suspected underwater drone. Agad nila itong isinuko sa Philippine Coast Guard (PCG).
Ayon kay Commodore Jay Tarriela, ang device ay may CTD sensor na sumusukat ng alat, temperatura, at lalim ng dagat karaniwang gamit sa oceanographic profiling. Mapapansin din na may Chinese labeling at serial number, at halatang matagal nang nakababad sa dagat.
Kasulukuyan itong sinusuri ng PCG at iba pang national security agencies para alamin ang pinagmulan, gamit, at posibleng banta.
Hindi ito unang insidente mula 2022, ilang kaparehong underwater drones na rin ang natagpuan sa iba’t ibang parte ng bansa, at ilan sa mga ito ay direktang konektado sa China dahil sa kanilang mga SIM card, transceivers, at baterya.
Giit ng PCG, ang mga naturang gamit ay may kakayahang magsagawa ng surveillance, seabed mapping, at encrypted data transmission pabalik ng China.
Pinasalamatan naman ni Admiral Ronnie Gil Gavan ang maagap na aksyon ng mga mangingisda at iginiit ang kahalagahan ng bayanihan at pagbabantay laban sa mga ilegal na aktibidad sa karagatan ng Pilipinas. | via Allan Ortega, D8TV News | Photo via PCG
#D8TVNews #D8TV
