Bumawi ang manufacturing sector ng Pilipinas ngayong Hunyo 2025 matapos ang bahagyang paghina noong Mayo, ayon sa ulat ng S&P Global. Tumaas ang Manufacturing Purchasing Managers’ Index (PMI) mula 50.1% patungong 50.7% — indikasyong lumalakas muli ang kalusugan ng sektor kahit paunti-unti.
Ayon sa S&P, tumaas ang bagong orders at produksyon, kaya’t mas maraming kumpanya ang bumili ng raw materials at nagdagdag na rin ng empleyado — unang beses sa apat na buwan! Bagamat mas malakas kaysa noong Mayo, mas mababa pa rin ito sa long-term average.
Dagdag ng ekonomistang si Maryam Baluch, nananatiling kalmado ang expansion dahil sa ilang hamon sa supply, pero may pag-asa kung bababa pa ang inflation at tuloy-tuloy ang demand.
Todo promote naman ang administrasyong Marcos sa mga dayuhang mamumuhunan para gawing hub ang bansa ng smart at sustainable manufacturing. | via Allan Ortega | Photo via PNA
#D8TVNews #D8TV