Umano’y mga namaril sa Bondi, nagkubli sa hotel sa Pilipinas

Isiniwalat ng ilang mga tauhan ng isang hotel sa Pilipinas na nakausap ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na ilang linggong nagtagal doon ang mag-amang iniuugnay sa pamamaril na ikinasawi ng 15 katao sa Bondi Beach sa Australia.


Iniimbestigahan ng mga awtoridad ng Australia kung sina Sajid Akram at ang kanyang anak na si Naveed ay posibleng nagsanay kasama ang mga extremist noong nagpunta sila sa southern Mindanao, isang rehiyong may kasaysayan ng Islamist insurgency.

Gayunman, iginiit ng pamahalaan ng Pilipinas na walang ebidensyang ginamit ang bansa bilang training ground ng mga terorista.


Pumasok sa Pilipinas ang mag-ama noong Nobyembre 1, sa Davao bilang huling destinasyon. Agad silang nag-check in sa GV Hotel, room 315, na nagkakahalaga ng ₱930 kada gabi.

Ayon sa night desk manager, bihira silang lumabas ng kwarto at karaniwang isang oras lang sa isang araw kung lalabas man.


Tahimik at mailap umano ang mag-ama si Naveed lang ang minsang nakikipag-usap, habang ang ama ay iwas makipag-eye contact.

Hindi rin sila nakita ng staff na gumamit ng sasakyan, naglalakad-lakad lang umano sa paligid.

Isang beses lang silang nagtanong kung saan makakabili ng durian, ngunit hindi rin ito natuloy.


Kinilala ng mga hotel staff ang mag-ama matapos mapanood ang balita tungkol sa Sydney massacre.

Sa kabila nito, ikinuwento ng staff na magalang at mabait umano ang dalawa nag-iwan pa raw ng tip bago umalis. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *