Umano’y destabilization plot, mababa ang posibilidad na totoo —SILG Jonvic Remulla

Mababa umano ang posibilidad na totoo ang sinasabing “destabilization plot” laban sa gobyerno, ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla.


Sinabi niya na “buo ang tiwala ng Armed Forces sa Pangulo at sa Konstitusyon, hindi sa tao.”

Ayon sa kanya, kung susukatin sa scale na 1 hanggang 10, nasa 1.5 lang ang tsansa ng naturang plano.


Ang alegasyon ay unang inilabas ng beteranong mamamahayag, na nagsabing sina VP Sara Duterte, Rep. Paolo Duterte, at dating Gov. Chavit Singson umano ang nagpopondo sa ilang dating opisyal ng militar para pabagsakin ang administrasyon.


Giit ni Remulla, hindi raw siya naniniwala na sila ang nasa likod nito, puro kalokohan at fake news lang daw yon.


Kinumpirma naman ng Malacañang na iniimbestigahan na ng AFP ang listahan ng mga personalidad na binanggit. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *