Itinanggi ng Philippine Navy ang ulat na nagtayo ng military base ang China sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal sa West Philippine Sea.
Ayon kay Navy spokesperson for WPS Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, walang namonitor na anumang konstruksyon sa lugar maliban sa namataang presensya ng People’s Liberation Army Navy, China Coast Guard, at Maritime Militia.
Sa ulat naman na nagsasabing nag-deploy ng missiles ang China sa Scarborough, iginiit ni Trinidad na posibleng nakalagay ito sa mga barko ng PLAN at hindi sa mismong shoal.
Paliwanag nito, karaniwan nang armado ng iba’t ibang uri ng missile ang mga warship.
“It is safe to assume that warships would have (been) armed with different missiles. So missiles aboard warships could (also) be the same. Not inside the shoal but on board the ships,” —Trinidad | via Joana Luna, D8TV News
