Umangat sa 2-0 ang Beermen dahil kay Perez at Fajardo

Sa makulay na selebrasyon ng 50th Anniversary show ng PBA, tinalo ng San Miguel Beermen ang Meralco Bolts sa score na 110-98. Bilang pagbabalik tanaw sa kasaysayan ng PBA, nagsuot ang mga koponan ng retro jerseys, binalik rin ng PBA ang kanilang lumang graphics para mas mabigyan ng retro-feel ang mga manonood sa kanilang mga kabahayan.


Pinangunahan nila June Mar Fajardo at CJ Perez ang opensa ng Beermen, nakapagtala ng 29 points si Perez at 28 naman si Fajardo. Nakapagtala si Chris Newsome ng 27 points upang makadikit ang score sa 74-77 bago mag 4th quarter ngunit namayagpag pa rin ang determinasyon ng mga Beermen at dahil dito naitala nila ang kanilang pangalawang panalo sa tournament.


Ang retro-themed na laro ay bahagi ng patuloy na pagdiriwang ng PBA sa kanilang 50th anniversary. Ang mga manonood ay magkakaroon ng pagkakataong magbalik-tanaw sa mga alaala ng nakaraan, na pinapalakas ang koneksyon sa pagitan ng liga at ng kanilang mga tagasuporta. | via Dann Miranda | Photo via PBA Images

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *