ULTRASOUND MACHINES PARA SA 3 OSPITAL SA PAMPANGA 🏥

Tumungo po tayo sa Pampanga upang makapag-donate ng ultrasound machines sa tatlong ospital sa probinsya nitong Miyerkules, February 19, 2025.

Ang ultrasound machines na may kabuuang halaga na P22 million ay handog po natin sa Diosdado P. Macapagal Memorial Hospital sa Guagua, Pampanga, Romana Pangan District Hospital sa Floridablanca, at Escolastica Romero District Hospital sa Lubao.

Kasama ko po sina PCSO Directors Imelda Papin at Jennifer Guevara upang opisyal na i-turnover ang mga aparato kay Pampanga Vice Governor Lilia Pineda.

‘Yan po ay naging posible dahil sa patuloy nating pagsulong ng Medical Equipment Donation Program ng PCSO kung saan nakapagbibigay po tayo ng mga medical equipment upang mas mapabuti ang serbisyo ng mga ospital sa ating mga kababayan.

Noong 2024, mahigit P20 million din po ang halaga ng mga medical equipment na atin pong ipinagkaloob naman sa Philippine Orthopedic Center at pitong military treatment facilities ng Philippine Army.

Ngayong taon, mas paiigtingin pa po natin ang nasabing programa upang mas marami tayong matulungan pagdating sa serbisyong medikal.

PCSOHindiUmuurongSaPagtulong

SaBawatTayaMayKawanggawa

BagongPilipinas #PCSO #BBM

PCSOGMMelRobles #MelRoblesBuhayMelionaryo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *