Tumaas ang benta ng Lotto tickets mula February 1 hanggang 7 kasunod ng pagtaas ng minimum jackpot prizes, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Batay sa tala ng PCSO, sa loob ng isang linggo ay mayroon kabuuang kita ang lotto na mahigit ₱413 million pesos.
Mas mataas ito kumpara sa mahigit ₱299 million pesos na benta sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Sinabayan din ito ng pagtaas sa 10.7% ng mga naibentang Lotto tickets na nagpapakita ng mas maraming tumatangkilik na mananaya.
Ayon kay PCSO General Manager Melquiades Robles, nagpapakita ito ng patuloy na tiwala ng publiko sa sistema ng ahensya sa lotto.
Bukod dito, tiniyak ni GM Robles na makatutulong ito sa mga programa ng ahensya sa pangkalusugan, medikal, at panlipunang serbisyo sa mamamayang Pilipino. | via Alegria Galimba
