Tumataas ang tiwala at performance rating ni Marcos, habang bumababa kay VP Sara Duterte

Tumaas ang tiwala at performance rating ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong 2nd Quarter ng 2025, ayon sa OCTA Research. Batay sa Tugon ng Masa survey (July 12–17), nakakuha si Marcos ng 64% trust rating (tumaas ng 4 puntos) at 62% performance rating (tumaas ng 3 puntos). Nabawi niya ang dating pagbaba sa ratings simula pa 4th Quarter ng 2024, at siya ngayon ang may pinakamataas na ratings sa mga top officials ngayong quarter.

Sa kabilang banda, si VP Sara Duterte ay bumaba sa 54% trust (baba ng 4 puntos) at 50% performance rating (baba ng 6 puntos). Bagamat bumaba, pareho pa rin silang may majority support (lagpas 50%).
Samantala si Senate President Chiz Escudero ay bumaba rin ng 4 puntos sa parehong trust (51%) at performance (49%) ratings. Si House Speaker Martin Romualdez naman ay sumabay sa pagtaas ni Marcos may 3-point boost sa trust (57%) at performance (62%).

Ang survey ay isinagawa sa 1,200 respondents edad 18 pataas, may ±3% margin of error, at isinagawa matapos magsimula ang impeachment trial sa Senado at bago ang desisyon ng Korte Suprema sa kasong impeachment ni VP Duterte. | via Allan Ortega | Photo via MSN

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *