Nanawagan si Senador Raffy Tulfo sa Department of Transportation (DOTr) na magtalaga ng exclusive ticket booths para sa mga estudyante sa mga istasyon ng MRT at LRT. Ito ay kasunod ng mga reklamo ukol sa mabagal at hassle na proseso ng pag-validate ng student fare discounts.
Sinabi ni Tulfo na layunin ng discount ang gawing mas accessible ang transportasyon sa kabataan, hindi ang gawing mas komplikado. Kaya iminumungkahi niyang gawing digital ang proseso, at i-integrate ang discount sa beep cards para hindi na kailangan ng manual forms at pila araw-araw.
Dagdag pa niya, dapat pataasin ang produksyon ng beep cards at gawing available ito sa mga convenience stores sa buong bansa. Ayon sa mga estudyanteng kinausap ng kanyang team, marami ang hindi na kumukuha ng discount dahil sa kahirapan ng proseso gaya ng pag-fill out ng form, pagdala ng enrollment records, at limitadong supply ng beep cards. | via Lorencris Siarez | Photo via msn
#D8TVNews #D8TV