Tulfo, dismayado sa NIA

Hinamon ni Senator Raffy Tulfo si National Irrigation Administration (NIA) Administrator Eddie Guillen na magsagawa ng joint inspection sa susunod na linggo sa Bulo Small Reservoir Irrigation Project.

Kung makitaan ng mga depekto, marapat umanong magbitiw si Guillen sa puwesto.

Ito’y matapos ipakita sa presentation ng budget deliberation kanina kung saan pinukpok lamang ng bato at may tumagas na tubig.

Walong taon ginawa ang naturang proyekto at naging repair project makaraang ma-damage sa bagyong karding noong 2023, isang taon makaraan itong matapos.

Matatandaang nag-commit umano ang NIA hinggil sa counter measures ng mga problemang kinahaharap ng irrigation projects kaya’t ikinadismaya naman ni Tulfo ang mga nakita dito.

Samantala, kabilang sa mga dumalo sa deliberation ay ang Department of the Interior and Local Government at Department of Energy habang si Senator Kiko Pangilinan ang dumedepensa sa 2026 proposed budget ng NIA. | via Ghazi Sarip

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *