Tiwala si US President Donald Trump na malapit nang mapalaya ang mga bihag sa Gaza.
Ayon kay Trump, kung maging matagumpay ang indirect peace talks sa Egypt, aasahan ang posibilidad ng kapayapaan.
Isinagawa ang nasabing pag-uusap matapos pumayag ang Hamas sa ilang bahagi ng 20-point US peace plan.
Ani Trump, ito’y malaking hakbang hindi lang para sa Israel at Hamas, kundi para sa buong Arab at Muslim world. | via Ghazi Sarip
