Tinapos na ng administrasyong Trump ang deployment ng 2,000 National Guard troops sa Los Angeles nitong Martes.
Ito ay kalahati ng kabuuang 4,000 sundalong ipinadala noong nakaraang buwan para supilin ang mga protesta laban sa immigration raids.
Ayon sa Pentagon, unti-unti nang bumababa ang gulo sa lungsod.
Si Pangulong Trump ang unang presidente sa mga nakaraang dekada na gumamit ng federal troops sa estado, na labag sa kagustuhan ni California Gov. Gavin Newsom.
Nagdemanda si Newsom, sinabing ilegal ang utos ni Trump.
Dagdag pa ni Newsom, ginamit lang ang mga sundalo bilang “political pawns” at ngayon ay naiwan silang walang malinaw na misyon.
Si Mayor Karen Bass ng LA ay natuwa sa pag-alis ng tropa, aniya’y resulta ito ng pagkakaisa ng mga taga-Los Angeles. | via Allan Ortega