Trump inanunsyo ang ‘napakalaking’ kasunduan sa kalakalan sa Japan

Inanunsyo ni dating US President Donald Trump nitong Martes ang isang umano’y “napakalaking” kasunduan sa kalakalan sa Japan, ika-limang pinakamalaking ekonomiya sa mundo.

Ayon kay Trump, mag-i-invest ang Japan ng humigit-kumulang USD550 bilyon sa US, at 90% ng kita ay mapupunta sa Amerika. Sa ilalim ng deal, bubuksan daw ng Japan ang merkado nila para sa mga sasakyan, bigas, at ilang produktong agrikultural. Magbabayad rin umano ang Japan ng 15% reciprocal tariff sa US.

Ipinahayag niya ito sa Truth Social, kasabay ng pakikipagpulong niya kay Japanese chief negotiator Ryosei Akazawa, pati US officials sa White House. Binanggit din ni Trump na magkakaroon pa ng hiwalay na kasunduan sa LNG (liquefied natural gas) na joint venture sa Alaska.

Pero ayon sa ulat ng Kyodo News, hindi pa pormal na nilalagdaan ng Japan ang kasunduan at wala pang kasunduan sa LNG JV. Nilinaw rin ni Akazawa na walang kasamang usapang defense spending ang naturang deal. | via Allan Ortega | Photo via President Donald J. Trump/Facebook

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *