Naglabas ng bagong memo ang administrasyon ni Pangulong Donald Trump na tila umatras sa utos na magtanggal ng libo-libong federal workers na nasa probationary period pa lamang.
Matapos ideklarang “iligal” ng isang hukom sa California ang naturang kautusan, binago ng Office of Personnel Management (OPM) ang kanilang direktiba at sinabing may kapangyarihan pa rin ang mga ahensya sa pagtanggal ng mga empleyado.
Dahil dito, may hanggang Setyembre 13 ang mga ahensya para magpanukala ng sariling plano sa pagbabawas ng tauhan.
Ayon sa mga ulat, libo-libong probationary employees ang natanggal na, kabilang ang nasa 700 kawani mula sa National Oceanic and Atmospheric Administration.
Nanawagan ang mga labor groups na ibalik sa trabaho ang mga iligal na natanggal. Ngayon, hinihintay kung ano ang magiging susunod na hakbang ng gobyerno. | Lorencris Siarez | Photo via alex WROBLEWSKI / AFP
Trump bumalikwas sa malawakang tanggalan ng mga empleyado
